1 Samuel 31:7
Habang nasa kabilang bahagi ng lambak ang mga kalalakihan ng Israel, at sa mga nasa ibayo ng Jordan, nakita nila na nagsitakas ang mga kalalakihan ng Israel, at nang si Saul at ang kanyang mga anak na lalaki ay patay na, iniwan nila ang kanilang mga lungsod at nagsitakas, at dumating ang mga Filisteo at nanirahan sa lugar nila.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 26:36At para doon sa mga natira sa inyo sa mga lupain ng mga kaaway, magpapadala ako ng takot sa inyong mga puso na kahit pa na sa tunog ng isang dahon na hinihipan sa hangin, magugulantang kayo at tatakas kayo na parang tinatakasan ninyo ang espada. Babagsak kayo kahit na wala namang humahabol sa inyo.
Judges 6:2Ang kapangyarihan ng Midianita ang nagpahirap sa Israel. Dahil sa Midianita, gumawa ang bayan ng Israel ng makukublihan para sa kanilang sarili mula sa mga yungib sa mga burol, sa mga kuweba, at mga matibay na tanggulan.
1 Samuel 13:7Ang ilan sa mga Hebreo ay pumunta sa ibayo ng Jordan sa lupain ni Gad at Galaad. Subalit naroon pa rin si Saul sa Gilgal, at nanginginig ang lahat ng mga tao na sumusunod sa kanya.