1 Samuel 5:3
Nang nagising nang maaga sa sumunod na araw ang mga tao ng Asdod, tingnan ninyo, natumba paharap sa lupa ang Dagon sa harapan ng kaban ni Yahweh. Kaya kinuha nila ang Dagon at inilagay siyang muli sa kanyang lugar.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Samuel 6:1Ngayon nasa bansa ng mga Filisteo ang kaban ni Yahweh sa loob ng pitong buwan.
Psalms 97:7Ang lahat ng sumasamba sa mga inukit na bagay ay mapapahiya, ang mga nagyayabang sa mga walang katuturang mga diyos-diyosan— yumukod kayo sa kanya, kayong lahat na mga diyos!
Isaiah 19:1Isang kapahayagan tungkol sa Ehipto. Pagmasdan ninyo, nakasakay si Yahweh sa mabilis na ulap at paparating sa Ehipto; nayayanig ang mga diyos-diyosan ng Ehipto sa kaniyang harapan, at natutunaw ang mga puso ng mga taga-Ehipto.
Isaiah 41:7Kaya sinikap ng karpintero ang pagpapanday ng ginto, at ang siyang nagtatrabaho gamit ang martilyo ay hinikayat ang siyang nagtatrabaho gamit ang maso, na sinasabi ng nanghihinang, 'ito ay maganda' Ito ay kanilang ikinabit gamit ang mga pako para hindi ito bumaliktad.
Isaiah 46:1Si Bel ay nagpatirapa, si Nebo ay yumuyukod; nabigatan ang mga hayop na nagdadala ng kanilang diyus-diyosan. Ang mga diyus-diyosan na kanilang dala ay mabigat na pasanin sa mga pagod na mga hayop.
Jeremiah 10:8Pare-pareho silang lahat, malulupit sila at hangal, mga alagad ng diyus-diyosan na mga kahoy lamang.