1 Samuel 5:7
Nang napagtanto ng mga kalalakihan ng Asdod kung ano ang nangyayari, sinabi nila, “Hindi dapat manatili ang kaban ng Diyos ng Israel sa atin, dahil mabigat ang kanyang kamay laban sa atin at laban kay Dagon na ating diyos.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 8:28Sinabi ni Paraon, “Papayag ako na umalis kayo at maghandog kay Yahweh na inyong Diyos doon sa ilang. Huwag lamang kayong pumunta sa napakalayo. At ipanalangin ninyo ako.”
Exodus 10:7Sinabi ng mga lingkod ni Paraon sa kaniya, “Gaano ba katagal na magiging pahamak ang taong ito sa atin? Hayaan mo nang umalis ang mga Israelita para makasamba kay Yahweh na kanilang Diyos. Hindi mo pa ba napagtanto na wasak na ang Ehipto?”
1 Samuel 4:8Kapighatian sa atin! Sino ang magtatanggol sa atin mula sa lakas nitong makapangyarihang Diyos? Ito ang Diyos na sumalakay sa mga taga-Ehipto sa pamamagitan ng marami at iba't ibang uri ng salot sa ilang.
1 Samuel 6:20Sinabi ng mga kalalakihan ng Beth-semes, “Sino ang makakatayo sa harapan ni Yahweh, ang banal na Diyos na ito? At kanino siya aakyat mula sa atin?”
1 Chronicles 13:11Nagalit si David dahil pinarusahan ni Yahweh si Uza. Ang lugar na iyon ay tinawag na Perez Uza hanggang sa araw na ito.
Jeremiah 46:25Sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel, “Tingnan mo, parurusahan ko si Ammon na taga-Tebes, ang Faraon, ang Egipto at ang kaniyang mga diyos, ang kaniyang mga haring Faraon, at ang mga nagtitiwala sa kanila.