1 Samuel 5:8
Kaya ipinadala nila at sama-samang tinipon ang lahat ng mga namumuno ng mga Filisteo; sinabi nila sa kanila, “Ano ang gagawin namin sa kaban ng Diyos ng Israel?” Sumagot sila, “Hayaang dalhin ang kaban ng Diyos ng Israel sa palibot ng Gat.” At dinala nila ang kaban ng Diyos ng Israel doon.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Joshua 13:3(mula sa Sihor, na nasa silangan ng Ehipto, at pahilaga sa hangganan ng Ekron, na itinuring na ari-arian ng mga Cananaeo; ang limang namumuno ng Palestina, ng mga Gazeo, Asdodeo, Ashkelon, Gath, at Ekron—ang nasasakupan ng mga Awites).
1 Samuel 5:11Kaya pinatawag nila at sama-samang tinipon ang lahat ng mga namumuno ng mga Filisteo; sinabi nila sa kanila, “Ilayo ninyo ang kaban ng Diyos ng Israel, at hayaang bumalik ito sa sariling lugar nito, upang hindi tayo nito patayin at ating mga tao.” Dahil nagkaroon na ng isang nakamamatay na takot sa buong siyudad; napakabigat ng kamay ng Diyos doon.
1 Samuel 17:4Isang malakas na tao ang lumabas mula sa kampo ng mga Filisteo, isang taong nagngangalang Goliat na mula sa Gat, na ang tangkad ay anim na kubit at isang dangkal.
1 Chronicles 7:21Ang anak na lalaki ni Tahat ay si Zabad. Ang anak na lalaki ni Zabad ay si Sutela. (Si Ezer at Elad ay pinatay ng mga tao sa Gat nang pumunta sila upang nakawin ang kanilang mga baka.
Zechariah 12:3Mangyayari ito sa panahong iyon na gagawin kong mabigat na bato ang Jerusalem para sa lahat ng mga tao. Ang sinumang sumubok na magbuhat sa batong iyon ay labis niyang masasaktan ang kaniyang sarili, at magsasama-sama laban sa lungsod na iyon ang lahat ng mga bansa sa mundo.