1 Samuel 6:3
Sinabi ng mga pari at mga manghuhula, “Kung ibabalik ninyo ang kaban ng Diyos ng Israel, huwag itong ibalik na walang regalo; sa ano mang paraan padalhan siya ng isang handog pambayad para sa kasalanan. Pagkatapos gagaling kayo, at malalaman ninyo kung bakit hindi inalis ang kanyang kamay sa inyo hanggang ngayon.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 23:15Ipagdiwang mo ang Pista ng Tinapay na Walang Lebadura. Bilang aking utos sa iyo, kakain ka ng tinapay na walang lebadura sa loob ng pitong araw. Sa panahong iyon, magpapakita ka sa aking harapan sa buwan ng Abib, na itinakda para sa layuning ito. Sa buwang ito lumabas ka galing Ehipto. Pero hindi ka dapat magpakita sa aking harapan na walang-dala.
Leviticus 5:6Pagkatapos dapat niyang dalhin kay Yahweh ang kaniyang handog na pambayad sa kasalanan para sa kasalanang nagawa niya, isang babaeng hayop mula sa kawan, alinman sa isang tupa o isang kambing, para sa isang handog para sa kasalanan, at gagawa ang pari para sa ikapapatawad niya ukol sa kaniyang kasalanan.
Leviticus 5:16Dapat niya bigyan ng kasiyahan si Yahweh para sa kaniyang nagawang mali kaugnay sa kung ano ang banal, at dapat niya itong dagdagan ng ikalima at ibigay ito sa pari. Pagkatapos gagawa ang pari ng kabayaran sa kasalanan para sa kanya kasama ang lalaking tupa na handog na pambayad kasalanan, at patatawarin ang taong iyon.
Leviticus 7:1Ito ang batas ng handog na pambayad para sa kasalanan. Pinakabanal ito.
1 Samuel 5:7Nang napagtanto ng mga kalalakihan ng Asdod kung ano ang nangyayari, sinabi nila, “Hindi dapat manatili ang kaban ng Diyos ng Israel sa atin, dahil mabigat ang kanyang kamay laban sa atin at laban kay Dagon na ating diyos.”
1 Samuel 5:11Kaya pinatawag nila at sama-samang tinipon ang lahat ng mga namumuno ng mga Filisteo; sinabi nila sa kanila, “Ilayo ninyo ang kaban ng Diyos ng Israel, at hayaang bumalik ito sa sariling lugar nito, upang hindi tayo nito patayin at ating mga tao.” Dahil nagkaroon na ng isang nakamamatay na takot sa buong siyudad; napakabigat ng kamay ng Diyos doon.