1 Samuel 7:5
Pagkatapos, sinabi ni Samuel, “Dalahin ninyo ang buong Israel sa Mizpa at mananalangin ako kay Yahweh para sa inyo.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
And Samuel said, Gather all Israel to Mizpeh, and I will pray for you unto the LORD.
In Context
4Pagkatapos inalis ng mga tao ng Israel ang mga Baal at mga Astarot, at sinamba lamang si Yahweh.
Cross References
Joshua 18:26Mizpe, Kepira, Moza,
1 Samuel 7:12Pagkatapos kumuha si Samuel ng isang bato at itinayo ito sa pagitan ng Mizpa at Shen. Pinangalanan niya itong Ebenezer, sinasabing, “Hanggang sa ngayon tinulungan pa rin kami ni Yahweh.”
1 Samuel 10:17Ngayon sama-samang tinawag ni Samuel ang mga tao sa harapan ni Yahweh sa Mizpa.
2 Kings 25:23Ngayon nang marinig ng mga pinuno ng mga kawal, sila at ang kanilang mga tauhan, na ginawang gobernador ng hari ng Babilonia si Gedalias, pumunta sila kay Gedalias sa Mizpa. Ang mga lalaking ito ay sina Ismael na anak ni Netanias, Johanan na anak ni Karea, Seraias na anak ni Tanhumet ang Netofatita at Jaazanias na anak ng Maacateo - sila at ang kanilang mga tauhan.
Hosea 5:1Pakinggan ninyo ito, mga pari! Bigyan ninyo ng pansin, sambahayan ng Israel! Makinig, sambahayan ng hari! Sapagkat paparating na ang paghuhukom laban sa inyong lahat. Naging isang bitag kayo sa Mizpa at isang nakalatag na lambat sa buong Tabor.