1 Samuel 8:7
Sinabi ni Yahweh kay Samuel, “Sundin mo ang boses ng mga tao sa lahat ng bagay na sasabihin nila sa iyo; sapagkat hindi ikaw ang tinanggihan nila, ngunit ako ang tinanggihan nila mula sa pagiging hari nila.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 22:20Pinuntahan ng Diyos si Balaam sa gabi at sinabi sa kaniya, “Yamang nagpunta ang mga lalaking ito para ipatawag ka, tumayo ka at sumama sa kanila. Ngunit gagawin mo lamang kung ano ang aking sinabing gagawin mo.”
1 Samuel 10:19Subalit ngayon tinanggihan ninyo ang inyong Diyos na nagliligtas sa inyo mula sa lahat ninyong kalamidad at dalamhati; at sinabi ninyo sa kanya, 'Maglagay ng hari sa amin.' Ngayon idulog ang inyong mga sarili sa harapan ni Yahweh ayon sa inyong mga lipi at angkan.”
1 Samuel 12:12Nang nakita ninyo na dumating si Nahas ang hari ng bayan ng Ammon laban sa inyo, sinabi ninyo sa akin. 'Hindi! Sa halip, isang hari dapat ang mamuno sa amin'—kahit na si Yahweh, ang inyong Diyos, ang hari ninyo.
Psalms 81:11Pero hindi nakinig ang aking bayan sa aking mga salita; hindi ako sinunod ng Israel.
Hosea 13:10Nasaan ngayon ang iyong hari, upang mailigtas ka sa lahat ng iyong mga lungsod? Nasaan ang iyong mga pinuno, na sinabi mo sa akin, 'Bigyan mo ako ng hari at mga prinsipe'?
Matthew 10:40Ang tumatanggap sa inyo ay tumatanggap sa akin, at ang tumatanggap sa akin ay tumatanggap din sa kaniya na nagsugo sa akin.