1 Tesalonica 2:9
Sapagka't inaalaala ninyo, mga kapatid, ang aming pagpapagal at pagdaramdam: amin ngang ipinangaral ang evangelio ng Dios na kami ay gumagawa gabi't araw, upang huwag kaming maging isang pasanin sa kanino man sa inyo.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Nehemiah 5:15Nguni't ang mga dating tagapamahala na una sa akin ay naging pasan sa bayan, at kumuha sa kanila ng tinapay at alak, bukod sa apat na pung siklong pilak; oo, pati ng kanilang mga lingkod ay nagpupuno sa bayan: nguni't ang gayon ay hindi ko ginawa, dahil sa takot sa Dios.
Psalms 32:4Sapagka't araw at gabi ay mabigat sa akin ang iyong kamay: ang aking lamig ng katawan ay naging katuyuan ng taginit. (Selah)
Proverbs 31:18Kaniyang namamalas na ang kaniyang kalakal ay makikinabang: ang kaniyang ilaw ay hindi namamatay sa gabi.
Luke 2:37At siya'y bao nang walongpu't apat na taon), na hindi humihiwalay sa templo, at sumasamba sa gabi at araw sa pamamagitan ng mga pagaayuno at mga pagdaing.
Acts 18:3At sapagka't ang hanap-buhay niya'y gaya rin ng kanila, ay nakipanuluyan siya sa kanila, at sila'y nagsigawa: sapagka't ang hanap-buhay nila'y gumawa ng mga tolda.
Acts 20:31Kaya nga kayo'y mangagpuyat, na alalahaning sa loob ng tatlong taon ay hindi ako naglikat sa gabi at araw ng paalaala sa bawa't isa na may pagluha.