1 Timoteo 4:10
Sapagkat dahil dito tayo ay nagsusumikap at gumagawang mainam. Sapagkat may pagtitiwala tayo sa buhay na Diyos, na siyang Tagapagligtas ng lahat ng tao, lalo na sa mga mananampalataya.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
9Ang mensaheng ito ay mapagkakatiwalaan at lubos na katanggap-tanggap.
11Ipahayag mo at ituro ang mga bagay na ito.
Cross References
Psalms 37:40Sila ay tinutulungan at sinasagip ni Yahweh. Sinasagip niya sila mula sa masasama at iniligtas sila dahil sila ay kumubli sa kaniya.
Psalms 84:12Yahweh ng mga hukbo, pinagpala ang taong nagtitiwala sa inyo.
Psalms 107:6Pagkatapos tumawag sila kay Yahweh sa kanilang pagkabalisa, at sinagip niya sila mula sa kagipitan.
Isaiah 12:2Tingnan ninyo, ang Diyos ang aming kaligtasan; magtitiwala kami at hindi matatakot, dahil si Yahweh, oo, si Yahweh ang aming kalakasan at awitin. Siya ang aming naging kaligtasan.”
Isaiah 50:10Sino sa inyo ang natatakot kay Yahweh? Sino ang sumusunod sa boses ng kaniyang lingkod? Sino ang naglalakad sa malalim na kadiliman nang walang liwanag? Dapat siyang magtiwala sa pangalan ni Yahweh at sumandal sa kaniyang Diyos.
Daniel 3:28Sinabi ni Nebucadnezar, “Purihin natin ang Diyos nina Shadrac, Meshac at Abednego na nagpadala ng kaniyang mensahero at nagbigay ng kaniyang mensahe sa kaniyang mga lingkod. Nagtiwala sila sa kaniya nang isinantabi nila ang aking utos at isinuko ang kanilang mga katawan kaysa sumamba o magpatirapa sa sinumang diyos maliban sa kanilang Diyos.