1 Timoteo 6:11
Ngunit ikaw, na lingkod ng Diyos, layuan mo ang mga bagay na ito. Sikapin mo ang katuwiran, pagiging maka-diyos, katapatan, pag-ibig, pagtitiis, at kahinahunan,
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 33:1Ito ang pagpapala kung saan pinagpala ni Moises na tao ng Diyos ang bayan ng Israel bago ang kaniyang kamatayan.
1 Samuel 9:6Subalit sinabi sa kanya ng lingkod, “Makinig ka, may lingkod ng Diyos sa lungsod na ito. Siya ay isang lalaking iginagalang; nagkakatotoo ang lahat ng bagay na sabihin niya. Pumunta tayo roon; maaaring masabi niya sa atin kung aling daan ang dapat nating tahakin sa ating paglalakbay.”
1 Kings 13:26Nang marinig ito ng propeta na nagdala pabalik sa kaniya mula sa daanan, sinabi niya, “Ito ang lingkod ng Diyos na lumabag sa salita ni Yahweh. Kaya siya ay ibinigay ni Yahweh sa leon, na nilapa ng pira-piraso at pinatay siya, tulad lamang ng salita ni Yahweh na nagbabala sa kaniya.
1 Kings 17:24Sumagot ang babae kay Elias, “Alam ko na ngayon na ikaw ay lingkod ng Diyos, at ang salita ni Yahweh mula sa iyong bibig ay totoo.”
2 Kings 1:9Pagkatapos nagpadala ang hari ng kapitan kasama ang limampung sundalo para kay Elias. Nagpunta ang kapitan kay Elias kung saan nakaupo siya sa tuktok ng burol. Nagsalita ang kapitan sa kaniya, ikaw na lingkod ng Diyos, sinabi ng hari, 'Bumaba ka.'”
2 Kings 5:20Hindi pa siya nakakalayo sa kaniyang paglalakbay nang si Gehazi lingkod ni Eliseo na lingkod ng Diyos ay sinabi sa kaniyang sarili, “Kinaawaan ng panginoon ko si Naaman na Aramean sa pamamagitan ng hindi pagtanggap ng mga regalo mula sa kamay niya na kaniyang dinala. Hangga't nabubuhay si Yahweh, hahabulin ko siya at tatanggap ako ng anumang bagay mula sa kaniya.”