2 Mga Cronica 11:16
Sumunod sa kanila ang mga tao mula sa lahat ng mga tribu ng Israel na itinuon ang kanilang puso na hanapin si Yahweh, ang Diyos ng Israel. Pumunta sila sa Jerusalem upang maghandog kay Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 12:5Pero sa lugar na pipiliin ni Yahweh na inyong Diyos mula sa lahat ng inyong mga lipi para ilagay ang kaniyang pangalan, na magiging lugar kung saan siya titira, at doon kayo pupunta.
Deuteronomy 12:13Bigyang pansin ang inyong sarili na hindi kayo magsusunog ng handog sa bawat lugar na inyong makikita;
Joshua 22:19Kung ang lupain na inyong pag-aari ay nadungisan, pagkatapos dapat kayong dumaan sa lupain na kinatatayuan ng tabernakulo ni Yahweh at kumuha kayo ng isang ari-arian para sa inyong mga sarili sa kalagitnaan namin. Huwag lamang maghimagsik laban kay Yahweh, ni maghimagsik laban sa amin sa pamamagitan ng pagtatayo ng isang altar para sa inyong mga sarili maliban sa altar ni Yahweh na aming Diyos.
1 Chronicles 16:29Ibigay kay Yahweh ang kaluwalhatiang nararapat sa kaniyang pangalan. Magdala ng handog at lumapit sa kaniyang harapan. Yumuko kay Yahweh sa kaniyang banal na kaluwalhatian.
1 Chronicles 22:19Ngayon hanapin ninyo si Yahweh na inyong Diyos nang buong puso at kaluluwa. Tumayo kayo at itayo ang banal na lugar ng Diyos na si Yahweh. At maaari na ninyong dalhin ang kaban ng tipan ni Yahweh at ang mga bagay na pag-aari ng Diyos sa tahanan na itinayo para sa pangalan ni Yahweh.”
2 Chronicles 15:12Gumawa sila ng kasunduan na hahanapin nila nang buong puso at kaluluwa si Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno.