2 Chronicles 13:12
Tingnan ninyo, kasama namin ang Diyos na siyang namumuno at ang kaniyang mga pari ay narito dala ang mga trumpeta upang magpatunog ng babala laban sa inyo. Bayang Israel, huwag ninyong labanan si Yahweh, ang Diyos ng inyong mga ninuno, sapagkat hindi kayo magtatagumpay.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 10:8Dapat hipan ng mga lalaking anak ni Aaron na mga pari, ang mga trumpeta. Palagi itong magiging isang kautusan para sa inyo sa kabuuan ng salinlahi ng inyong mga tao.
Numbers 14:41Ngunit sinabi ni Moises, “Bakit sinusuway ninyo ngayon ang utos ni Yahweh? Hindi kayo magtatagumpay.
Numbers 31:6Pagkatapos, ipinadala sila ni Moises sa labanan, isang libo mula sa bawat tribu, kasama si Finehas na anak ni Eleazar na pari, at ilang kagamitan mula sa banal na lugar at mga trumpetang pag-aari niya para sa pagpapatunog ng mga hudyat.
Deuteronomy 28:29Kakapit kayo sa tanghali tulad ng pagkapit ng bulag sa kadiliman at hindi kayo sasagana sa inyong mga daan; lagi kayong aapihin at nanakawan, at wala ni isang magliligtas sa inyo.
Joshua 6:13Ang pitong paring may dala ng pitong trumpetang gawa sa mga sungay ng lalaking tupa sa harapan ng Kaban ni Yahweh at matatag na naglalakad, hinipan nilang malakas ang mga trumpeta. Naglalakad sa kanilang harapan ang mga armadong sundalo. Pero nang ang hulihang bantay ay naglakad sa likod ng Kaban ni Yahweh, saka hinipang malakas ng tuluy-tuloy ang mga trumpeta.
2 Chronicles 24:20Dumating ang Espiritu ng Diyos kay Zacarias na anak ng paring si Joiada. Tumayo si Zacarias sa itaas ng mga tao at sinabi sa kanila, “Ito ang sinasabi ng Diyos, 'Bakit ninyo nilalabag ang mga kautusan ni Yahweh, nang sa gayon hindi kayo sumagana? Yamang tinalikuran na ninyo si Yahweh, tinalikuran rin niya kayo.'”