2 Chronicles 13:5
Hindi ba ninyo alam na si Yahweh, ang Diyos ng Israel, ang nagbigay kay David ng pamumuno sa buong Israel magpakailanman, sa kaniya at sa kaniyang mga anak sa pamamagitan ng isang kasunduan?
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 2:13Dapat ninyong timplahan ng asin ang bawat butil ninyong handog. Hindi ninyo kailanman dapat hayaang mawala ang asin ng kasunduan ng inyong Diyos mula sa inyong butil na handog. Kasama ng lahat ng inyong mga handog dapat maghandog kayo ng asin.
Judges 11:21At si Yahweh, ang Diyos ng Israel, ang nagbigay ng katagumapayan sa mga Israelita laban kay Sihon at inilagay ang lahat ng kaniyang mga tao sa ilalim ng kanilang pamumuno. Kaya kinuha ng Israel ang buong lupain ng mga Amoreo, na nanirahan sa bansang iyon.
1 Samuel 16:12Nagpadala si Jesse at ipinasundo siya. Ngayon ang binatilyong ito ay malusog at may magandang mga mata at makisig na anyo. Sinabi ni Yahweh, “Tumayo ka, buhusan mo siya ng langis; sapagka't siya na iyon.”
2 Samuel 10:13Kaya sumulong si Joab at ang mga sundalo ng kaniyang hukbo sa digmaan laban sa mga Arameo, na napilitang tumakas mula sa hukbo ng Israel.
1 Chronicles 17:11At mangyayari na kapag natapos na ang iyong mga araw upang ikaw ay pumunta sa iyong mga ninuno, gagawin kong tagapamuno ang iyong kaapu-apuhan na susunod sa iyo, at sa isa sa iyong sariling kaapu-apuhan, itatatag ko ang kaniyang kaharian.
1 Chronicles 28:4Ngunit si Yahweh na Diyos ng Israel, pinili niya ako sa lahat ng pamilya ng aking ama na maging hari sa Israel magpakailanman. Pinili niya ang tribo ni Juda bilang pinuno. Sa tribo ng Juda at sa sambahayan ng aking ama, sa lahat ng lalaking anak ng aking ama, ako ang pinili niya na maging hari sa buong Israel.