2 Mga Cronica 14:10
Pagkatapos, lumabas si Asa upang harapin siya at itinakda nila ang hanay para sa labanan sa lambak ng Sefata at Maresa.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 20:1Kapag martsa na kayo para makipagdigma laban sa inyong mga kaaway, at nakakita ng mga kabayo, mga karwaheng pandigma, at maraming bilang ng tao kaysa inyo, hindi dapat kayo matakot sa kanila; dahil si Yahweh na inyong Diyos ay kasama ninyo, na siyang nagdala sa inyo palabas sa lupain ng Ehipto.
Judges 1:17At sumama ang mga lalaki ng Juda sa mga kalalakihan sa Simeon na kanilang mga kapatid at sinalakay ang mga Cananeo na sumakop sa Sefat at winasak ito ng husto. Ang pangalan ng lungsod ay tinawag na Horma.
1 Samuel 17:45Sumagot si David sa Filisteo, “Pumarito ka sa akin na may isang espada, isang sibat, at isang mahabang sibat. Ngunit pumarito ako sa iyo sa pangalan ni Yahweh ng mga hukbo, ang Diyos ng mga hukbo ng Israel, na iyong kinamumuhian.
2 Chronicles 26:7Tinulungan siya ng Diyos laban sa mga Filisteo, laban sa mga Arabo na nakatira sa Gurbaal at laban sa mga Meunita.
2 Chronicles 32:20Si haring Ezequias, at si propetang Isaias na anak ni Amos ay nanalangin dahil sa mga pangyayaring ito at nagmakaawa sa langit.
Psalms 20:8Sila ay ibababa at ibabagsak, pero tayo ay babangon at tatayong matuwid!