2 Chronicles 14:3
sapagkat tinanggal niya ang mga altar ng mga diyus-diyosan at mga dambana. Giniba niya ang mga sagradong batong poste at binuwal ang mga imahe ni Ashera.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
2Ginawa ni Asa ang mabuti at matuwid sa paningin ni Yahweh na kaniyang Diyos,
Cross References
Exodus 34:13Sa halip, dapat ninyong sirain ang kanilang mga altar, wasakin ang kanilang mga banal na haliging bato at putulin ang mga poste ni Asera.
Deuteronomy 7:5Ganito kayo makikipagkasundo sa kanila: Sisirain ninyo ang kanilang mga altar, pagputul-putulin ang kanilang sagradong poste ng pira-piraso, ibagsak ang kanilang mga posteng Asera at sunugin ang kanilang hinulmang mga diyus-diyosan.
Judges 6:25Nang gabing iyon sinabi ni Yahweh sa kaniya, “Kunin ang toro ng iyong ama, at ang pangalawang toro na labimpitung taong gulang, at tanggalin ang altar ni Baal na pag-aari ng iyong ama, at putulin ang Asera na nasa tabi nito.
1 Kings 14:22Gumawa ng kasamaan ang Juda sa paningin ni Yahweh; nagbunsod sa kaniya para siya ay magselos sa mga kasalanang ginawa nila, higit pa sa lahat ng bagay na nagawa ng kanilang ninuno.
2 Kings 18:4Tinanggal niya ang mga dambana, winasak ang mga sagradong poste na gawa sa bato, at pinutol ang mga poste ni Asera. Pinagpira-piraso niya ang tansong ahas na ginawa ni Moises, dahil sa mga panahon na iyon nagsusunog dito ng insenso ang bayan ng Israel; tinawag itong “Nehustan”.
2 Kings 23:14Binasag ni Haring Josias ang mga sagradong batong haligi, giniba ang mga poste ni Asera, at pinuno ang kanilang mga lugar ng mga buto ng tao.