2 Mga Cronica 16:6
Pagkatapos, tinawag ni haring Asa ang lahat ng Juda. Kinuha nila ang mga bato at mga troso sa Rama na ginagamit ni Baasha sa pagtatayo ng lungsod. Pagkatapos, ginamit ni Haring Asa ang mga kagamitang iyon upang itayo ang Geba at Mizpah.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Joshua 15:38Dilean, Mispa, Jokteel,
1 Samuel 7:6Nagtipon sila sa Mizpa at sumalok ng tubig at ibinuhos ito sa harapan ni Yahweh. Nag-ayuno sila sa araw na iyon at sinabing, “Nagkasala kami laban kay Yahweh.” Doon pinagpasiyahan ni Samuel ang mga alitan ng mga tao ng Israel at pinangunahan ang mga tao.
1 Samuel 10:17Ngayon sama-samang tinawag ni Samuel ang mga tao sa harapan ni Yahweh sa Mizpa.
1 Chronicles 6:60Mula sa tribu ni Benjamin, ibinigay sa kanila ang Geba, Alemet, Anatot kasama ang mga pastulan ng mga ito. Labintatlong lungsod ang lahat ng natanggap ng mga angkan ni Kohat.
Isaiah 10:29Tinawid nila ang lambak at gumawa ng kuta sa Geba. Nanginig sa takot ang Ramah at ang Gibea ni Saul ay tumakas.