2 Chronicles 18:16
Kaya sinabi ni Micaias, “Nakita ko ang lahat ng Israel na nagkalat sa mga bundok gaya ng tupa na walang pastol, at sinabi ni Yahweh, 'Ang mga ito ay walang pastol. Hayaang umuwi ang bawat tao sa kaniyang bahay ng payapa.'”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Samuel 2:7Kaya ngayon, hayaang maging malakas ang inyong mga kamay; maging matapang dahil si Saul na inyong panginoon ay namatay, at buong sambahayan ng Juda ay hinirang ako mag hari sa kanila.”
1 Kings 22:17Kaya sinabi ni Micaya, “Nakita ko ang lahat ng mga Israelita na nagkalat sa mga kabundukan, tulad ng mga tupa na walang pastol, at sinabi ito ni Yahweh, 'Walang pastol ang mga ito. Pabakilin ang bawat tao sa kanilang mga tahanan ng payapa.”'
2 Kings 10:3piliin ang pinakamabuti at pinakanararapat sa mga kaapu-apuhan ng iyong panginoon at ilagay siya sa trono ng kaniyang ama, at ipaglaban ang maharlikang lahi ng iyong panginoon.”
Jeremiah 23:1“Aba sa inyong mga pastol na sumisira at nagsisingalat sa mga tupa ng aking pastulan—Ito ang pahayag ni Yahweh.”
Ezekiel 34:8Dahil buhay ako—ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh—dahil ang aking kawan ay tinangay at naging pagkain ng lahat ng mga mababangis na hayop sa mga parang (dahil walang pastol at wala sa aking mga pastol ang humanap sa aking kawan, ngunit binantayan ng mga pastol ang kanilang mga sarili at hindi ang aking kawan ang ipinastol)—
Zechariah 13:7“Espada! Gisingin mo ang iyong sarili labanan mo ang aking pastol, ang lalaki na nakatayo ng malapit sa akin” —Ito ang pahayag ni Yahweh ng mga hukbo.” Patayin ang pastol, at ang kawan ay magkakawatak-watak! Sapagkat ipipihit ko ang aking kamay laban sa mga mahihina.