2 Chronicles 18:31
At nangyari, nang nakita ng mga kapitan ng karwahe si Jehoshafat, sinabi nila, “Iyon ang hari ng Israel.” Umikot sila upang salakayin siya, ngunit sumigaw si Jehoshafat, at tinulungan siya ni Yahweh. Pinaalis sila ni Yahweh palayo sa kaniya.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 14:10Nang malapit na si Paraon, ang mga Israelita ay tumingala at nabigla. Naglalakad ang mga taga-Ehipto patungo sa kanila at sila ay natakot. Umiyak ang mga Israelita kay Yahweh.
2 Chronicles 13:14Nang lumingon sa likuran ang mga taga-Juda, nakita nila na ang labanan ay parehong nasa kanilang harapan at likuran. Sumigaw sila ng malakas kay Yahweh at hinipan ng mga pari ang mga trumpeta.
2 Chronicles 26:7Tinulungan siya ng Diyos laban sa mga Filisteo, laban sa mga Arabo na nakatira sa Gurbaal at laban sa mga Meunita.
Ezra 7:27Sinabi ni Ezra, “Purihin si Yahweh, ang Diyos ng ating mga ninuno, ang siyang naglagay ng lahat ng ito sa puso ng hari para sa kapurihan ng tahanan ni Yahweh sa Jerusalem,
Psalms 34:7Ang anghel ni Yahweh ay nagkakampo sa paligid ng may mga takot sa kaniya, at sila ay nililigtas niya.
Psalms 46:11Si Yahweh ng mga hukbo ay sasaatin; ang Diyos ni Jacob ang kublihan natin. Selah