2 Chronicles 18:7
Sinabi ng hari ng Israel kay Jehoshafat, “Mayroon pang isang tao na maaari nating hingian ng payo ni Yahweh, si Micaias na anak ni Imla ngunit kinamumuhian ko siya dahil kahit kailan ay hindi siya nagpahayag ng magandang propesiya tungkol sa akin kundi mga paghihirap lamang.” Ngunit sinabi ni Jehoshafat, “Huwag naman sanang sabihin ng hari iyan.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Kings 18:17Nang makita ni Ahab si Elias, sinabi niya sa kaniya, “ikaw ba ito, ikaw na gumagawa ng kaguluhan sa Israel?”
1 Kings 20:42Sinabi ng propeta sa hari, “Sinasabi ni Yahweh, 'Dahil nakawala sa iyong kamay ang lalake na aking hinatulan ng kamatayan, ang iyong buhay ay magiging kapalit ng kaniyang buhay, at ang iyong bayan para sa kaniyang bayan.”'
2 Kings 9:22Nang nakita ni Joram si Jehu, sinabi niya, 'Ikaw ba ay dumating para sa kapayapaan, Jehu?” Sumagot siya, “Anong kapayapaan ang naroroon, kung napakaraming pagsamba sa diyus-diyusan na mayroong prostitusyon at pangkukulam ng iyong inang si Jezabel?”
Psalms 34:21Papatayin ng masama ang makasalanan; ang mga galit sa matutuwid ay mahahatulan.
Psalms 69:14Hilahin mo ako mula sa putikan, at huwag mo akong hayaang lumubog; hayaan mo akong malayo mula sa napopoot sa akin at sagipin mo mula sa malalim na katubigan.
Proverbs 25:12Katulad ng gintong singsing o alahas na gawa sa pinong ginto ay ang matalinong pagsaway sa nakikinig na tainga.