2 Mga Cronica 19:8
Bukod dito, nagtalaga si Jehoshafat ng ilan sa mga Levita at mga pari sa Jerusalem, at ilan sa mga pinuno ng mga sinaunang sambahayan ng Israel, para sa pagsasagawa ng paghatol para kay Yahweh, at para sa mga pagtatalo. Tumira sila sa Jerusalem.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 17:8Kung magkaroon ng napakahirap na bagay sa iyo sa paghatol—marahil ang isang katanungan ng pagpatay o aksidenteng kamatayan, ng karapatan ng isang tao at karapatan ng ibang tao o isang natatanging katanungan na masakit na nagawa o ibang uri ng bagay—mga bagay na pagtatalo sa loob ng tarangkahan ng inyong mga lungsod, pagkatapos dapat kayong umakyat doon sa lugar na pinili ni Yahweh na inyong Diyos bilang kaniyang santuwaryo.
Deuteronomy 25:1Kung may pagtatalo sa pagitan ng mga tao at pumunta sila sa hukuman, at hinatulan sila ng mga hukom, sa gayon ay pawawalang sala nila ang matuwid at parurusahan ang masama.
1 Chronicles 26:29Sa mga kaapu-apuhan ni Ishar, si Kenanias at ang kaniyang mga anak ang tagapamahala sa mga gawain sa labas ng Israel. Sila ang mga opisyal at mga hukom.
Psalms 122:5Doon ang mga pinuno ay nakaupo sa mga trono para sa hatol ng sambahayan ni David.