2 Chronicles 20:1
At nangyari pagkatapos nito, ang mga tao sa Moab at Ammon, kasama ang ilang mga Meunita ay dumating upang makipagdigma laban kay Jehoshafat.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Chronicles 4:41Ang itinalang mga pangalan na ito ay dumating sa mga panahon na si Ezequias ang hari ng Juda, at nilusob ang mga tirahan ng mga Hamita at ang mga Meunim, na naroon din. Lubos nilang winasak ang mga naroon at nanirahan doon dahil nakatagpo sila ng pastulan ng kanilang kawan.
2 Chronicles 19:2Lumabas si propetang Jehu na anak ni Hanani upang salubungin siya at sinabi kay Haring Jehoshafat, “Dapat mo bang tulungan ang masama? Dapat mo bang mahalin ang mga namumuhi kay Yahweh? Dahil sa ginawa mong ito, nasa iyo ang galit mula kay Yahweh.
2 Chronicles 19:11Tingnan ninyo, si Amarias na pinakapunong pari ang siyang mangangasiwa sa inyo sa lahat ng bagay na nauukol kay Yahweh. Si Zebedias na anak ni Ismael na pinuno ng sambahayan ng Juda, ang mamamahala sa lahat ng bagay patungkol sa hari. Gayon din naman, ang mga Levita ay magiging opisyal na maglilingkod sa inyo. Kumilos nang may tapang, at manahan nawa si Yahweh sa mga mabubuti.
2 Chronicles 32:1Pagkatapos ng mga bagay na ito at ang mga gawaing ito na nagpapakita ng katapatan, si Sinaquerib, ang hari ng Asiria, ay dumating at pumasok sa Juda; nagkampo siya upang lusubin ang mga matitibay na lungsod, na binalak niyang sakupin.
Isaiah 7:1Sa panahon ni Ahaz na anak ni Jotam na anak ni Uzias, ang hari ng Juda, si Rezin ang hari ng Aram, at si Peka anak ni Remalias, ang hari ng Israel, ay umakyat sa Jerusalem para makipagdigma, pero hindi sila nagtagumpay.
Isaiah 16:6Narinig natin ang pagmamataas ng Moab, kaniyang kayabangan, kaniyang kahambugan at kaniyang galit. Pero ang kaniyang kahambugan ay walang lamang mga salita.