2 Chronicles 20:12
Aming Diyos, hindi mo ba sila hahatulan? Dahil wala kaming kakayahan laban sa malaking hukbo na ito na paparating laban sa amin. Hindi namin alam kung ano ang aming gagawin, ngunit ang aming mga mata ay nasa iyo.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 32:36Dahil si Yahweh ang magpapasya para sa kaniyang mga tao, at kakaawaan niya ang kaniyang mga lingkod. Makikita niya na ang kanilang kapangyarihan ay nawala, at wala ni isang matitira, kahit mga alipin o malayang mga tao.
1 Samuel 3:13Sinabi ko na sa kanya na hahatulan ko ang kanyang sambahayan minsan para sa lahat ng kasalanang kanyang nalaman, dahil nagdala ng sumpa sa kanilang sarili ang kanyang mga anak na lalaki at hindi niya sila pinigilan.
2 Samuel 14:11Pagkatapos sinabi niya, “Pakiusap, nawa'y isipin ng hari si Yahweh na iyong Diyos, para hindi na makasira ng sinuman ang tagapaghiganti ng dugo, para hindi nila wasakin ang aking anak.” Sumagot ang hari, “Habang nabubuhay si Yahweh, walang isang buhok ng iyong anak ang mahuhulog sa lupa.”
2 Kings 6:15Nang ang alipin ng lingkod ng Diyos ay maagang bumangon at lumabas, pagmasdan mo, isang malaking hukbo at mga kabayo ang nakapaligid sa lungsod. Sinabi ng kaniyang alipin sa kaniya, “Panginoon! Anong gagawin natin?”
Psalms 7:8Yahweh, hatulan mo ang mga bansa; ipawalang-sala mo ako, Yahweh, dahil ako ay matuwid at walang kasalanan, Kataas-taasan.
Psalms 25:15Ang aking mga mata ay laging nakatuon kay Yahweh, dahil pakakawalan niya ang aking mga paa mula sa lambat.