2 Chronicles 20:25
Nang lumapit si Jehoshafat at ang kaniyang mga tao upang mangsamsam sa kanila, nakita nila ang napakaraming kayamanan at mahahalagang hiyas na kanilang sinamsam para sa kanilang mga sarili, higit pa sa kaya nilang buhatin. Umabot sila ng tatlong araw upang makuha ang mga nasamsam, napakarami nito.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 12:35Ginawa ngayon ng bayang Israelita ang ayon sa sinabi ni Moises sa kanila. Humingi sila sa mga taga-Ehipto ng mga hiyas na pilak, ginto at damit.
Numbers 31:53Kumuha ng dambong ang bawat kawal, ang bawat lalaki para sa kaniyang sarili.
Judges 8:24Sinabi ni Gideon sa kanila, “Hayaan mo akong gumawa ng isang kahilingan sa inyo: ang bawat isa sa inyo ay magbibigay sa akin ng mga hikaw mula sa kaniyang nakuha sa panloloob.” (Ang mga Midianita ay may mga gintong hikaw dahil sila ay mga Ishmaelita).
2 Kings 7:9Pagkatapos sinabi nila sa isa't isa, “Hindi tama ang ginagawa natin. Ang araw na ito ay araw ng magandang balita, pero nananahimik tayo patungkol dito. Kung maghihintay tayo hanggang bukang-liwayway, parurusahan tayo. Kaya, halina at sabihin natin ito sa sambahayan ng hari.”
Psalms 68:12Nagsitakas ang mga hari ng mga hukbo, tumakbo sila, kaya pinaghati-hatian ng mga kababaihan na naghihintay sa tahanan ang mga nasamsam:
Ezekiel 39:8Masdan ninyo! Parating na ang araw na ipinahayag ko at magaganap ito. Ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.