2 Chronicles 21:13
sa halip ay lumakad ka sa kaparaanan ng mga hari ng Israel, at nagdulot sa Juda at ang mga naninirahan sa Jerusalem upang kumilos na gaya ng nagbebenta ng aliw, na tulad ng ginawa ng tahanan ni Ahab, at dahil pinatay mo rin gamit ng tabak ang iyong mga lalaking kapatid sa pamilya ng iyong ama, ang mga kalalakihan na mas mabuti kaysa sa iyong sarili,
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 42:21Sinabi nila sa isa't-isa, “Tayo ay tunay na nagkasala tungkol sa ating lalaking kapatid dahil nakita natin ang paghihinagpis ng kanyang kaluluwa nang siya ay magmakaawa sa atin at hindi tayo nakinig. Dahil doon ang kabalisahan ay dinaranas natin.”
Deuteronomy 31:16Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Masdan mo, matutulog ka kasama ang iyong mga ama; babangon itong mga lahi at kikilos katulad ng mga bayarang babae na sumusunod sa masamanag mga diyus-diyosan ng lupain, ang lupain na kanilang pupuntahan para maging kasamahan nila. Iiwanan nila ako at sisirain ang kasunduang ginawa ko kasama sila.
1 Kings 2:31Sinabi sa kaniya ng hari, “Gawin mo kung ano ang sinabi niya. Patayin mo siya at ilibing, para maalis mo mula sa akin at sa sambahayan ng aking ama ang dugo na pinadanak ni Joab nang walang dahilan.
1 Kings 16:25Ginawa ni Omri ang masamang bagay sa paningin ni Yahweh at naging masahol pa sa mga nauna sa kaniya.
1 Kings 16:33Nagtayo si Ahab ng poste para kay Asera. Gumawa si Ahab ng mga bagay na mas masahol pa sa mga nauna sa kaniya na mas lalong ikinagalit ni Yahweh, na Diyos ng Israel.
2 Chronicles 21:4Ngayon, nang si Jehoram ay naghari sa kaharian ng kaniyang ama at matatag na itinalaga ang kaniyang sarili bilang hari, pinatay niya ang lahat ng kaniyang mga kapatid na lalaki gamit ang tabak, at ang lahat din na iba pang mga pinuno ng Israel.