2 Chronicles 21:2
Si Jehoram ay may mga kapatid na lalaki, ang mga lalaking anak ni Jehoshafat ay sina Azarias, Jehiel, Zacarias, Azarias, Micael at Sefatias. Ang lahat ng ito ay mga lalaking anak ni Jehoshafat na hari ng Israel.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Chronicles 21:4Ngayon, nang si Jehoram ay naghari sa kaharian ng kaniyang ama at matatag na itinalaga ang kaniyang sarili bilang hari, pinatay niya ang lahat ng kaniyang mga kapatid na lalaki gamit ang tabak, at ang lahat din na iba pang mga pinuno ng Israel.
2 Chronicles 24:5Tinipon niya ang mga pari at mga Levita at sinabi sa kanila, “Pumunta kayo taun-taon sa mga lungsod ng Juda at kolektahin ang pera mula sa lahat ng Israelita upang isaayos ang tahanan ng inyong Diyos. Tiyakin ninyo na masimulan ninyo kaagad.” Noong una, walang ginawa ang mga Levita.
2 Chronicles 28:19Sapagkat ibinaba ni Yahweh ang Juda dahil kay Ahaz, ang hari ng Israel; sapagkat napakasama ng kaniyang ginawa sa Juda at labis na nagkasala kay Yahweh.
2 Chronicles 28:27Namatay si Ahaz at siya ay kanilang inilibing sa lungsod sa Jerusalem, ngunit siya ay hindi nila dinala sa mga libingan ng mga hari ng Israel. Si Ezequias na kaniyang anak ang pumalit sa kaniya bilang hari.
2 Chronicles 35:18Hindi pa nagkaroon ng ganitong pagdiriwang ng Paskwa mula sa panahon ng propetang si Samuel, at hindi ipinagdiwang ng kahit sino sa mga naging hari ng Israel ang Paskwa na gaya ng ginawa ni Josias, kasama ang mga pari, ang mga Levita, at lahat ng mga tao ng Juda at Israel na naroon at ang mga mamamayan ng Jerusalem.