2 Chronicles 22:11
Ngunit si Jehosabet, isang babaeng anak ng hari ay kinuha si Joas, isang lalaking anak ni Ahazias, at matapang niyang tinakas mula sa mga anak ng hari na pinatay. Inilagay siya sa isang silid kasama ang kaniyang tagapag-alaga. Kaya itinago siya ni Jehosabet, isang babaeng anak ni Haring Jehoram, at asawa ng paring si Joiada (sapagkat siya ay kapatid ni Ahazias), mula kay Atalia, kaya hindi siya napatay ni Atalia.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Samuel 7:13Gagawa siya ng isang tahanan para sa aking pangalan, at itatatag ko ang trono ng kaniyang kaharian magpakailanman.
2 Kings 11:2Pero kinuha ni Jehoseba, anak na babae ni Haring Joram at kapatid ni Ahazias, si Joas anak ni Ahazias, at itinago siya malayo sa mga anak ng hari na pinatay, kasama ang kaniyang tagapag-alaga; itinago niya sila sa silid. Itinago nila siya mula kay Atalia para hindi siya mapatay.
2 Chronicles 23:1Sa ika-pitong taon, naging makapangyarihan si Joiada. Nakipagkasundo siya sa mga pinuno ng hukbo ng daan-daan, sina Azarias na anak na lalaki ni Jeroham, Ismael na anak na lalaki ni Jehohanan, Azarias na anak na lalaki ni Obed, Maasias na anak na lalaki ni Adaya at si Elisafat na anak na lalaki ni Zicri.
Psalms 76:10Tunay nga, na ang iyong galit na paghatol sa mga taong iyon ay magdadala sa iyo ng papuri. Ganap mong ipinakita ang iyong galit.
Isaiah 65:8Ito ang sinabi ni Yahweh, “Tulad nang katas na makukuha mula sa isang kumpol ng ubas, kapag sinabi ng sinuman, “Huwag itong sirain, dahil may mabuti rito, ganun din ang gagawin ko alang-alang sa aking mga lingkod, hindi ko sila lahat wawasakin.
Acts 4:28Nagtipon-tipon sila upang isagawa ang lahat na napagpasyahan ng inyong kamay at ng inyong kagustuhan na mangyari noon pang una.