2 Mga Cronica 23:16
At gumawa si Joiada ng isang kasunduan, sa lahat ng tao at sa hari, na sila ay dapat maging mga tao ni Yahweh.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 5:2Gumawa si Yahweh na ating Diyos ng isang tipan sa atin sa Horeb.
Deuteronomy 29:1Ito ang mga salita na inutos ni Yahweh kay Moises na sabihin sa mga tao ng Israel sa lupain ng Moab, mga salita na idinagdag sa tipan na kaniyang ginawa sa kanila sa Horeb.
Joshua 24:21Pero sinabi ng bayan kay Josue, “Hindi, sasambahin namin si Yahweh.”
2 Chronicles 15:12Gumawa sila ng kasunduan na hahanapin nila nang buong puso at kaluluwa si Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno.
2 Chronicles 15:15Nagalak ang buong Juda sa pangako, sapagkat buong puso silang nangako kay Yahweh at hinanap nila ang Diyos nang may buong pagnanais at siya ay natagpuan nila. Binigyan sila ni Yahweh ng kapayapaan sa buong lupain.
2 Chronicles 34:31Tumayo ang hari sa kaniyang lugar at nakipagtipan sa harap ni Yahweh, na susunod siya kay Yahweh, at susundin niya ang kaniyang mga kautusan, ang kaniyang tipan ng katapatan, at ang kaniyang mga batas nang buong puso at kaluluwa, na susundin niya ang mga salita ng kasunduan na nakasulat sa aklat na ito.