2 Chronicles 24:19
Gayunman, nagpadala siya ng mga propeta sa kanila upang muli silang ibalik sa kaniya, kay Yahweh. Nagpatotoo ang mga propeta laban sa mga tao, ngunit ayaw nilang makinig.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Kings 17:13Gayon man si Yahweh ay nagpahayag sa Israel at sa Juda sa bawat propeta at sugo, sinasabing, ''Talikuran ang inyong masasamang gawa at sundin aking mga utos at aking mga bilin, at maingat na sundin lahat ng batas aking pinag-utos sa inyong mga ama, at aking ipinabatid sa inyo sa pamamagitan ng aking mga lingkod ang mga propeta.''
2 Kings 17:15Tinanggihan nila ang kaniyang kautusan at ang tipang ginawa sa pagitan niya at kanilang mga ninuno, at mga utos sa tipan na kaniyang binigay sa kanila. Sinunod nila ang mga walang kabuluhang kaugalian at maging sila mismo ay naging walang kabuluhan. Sinundan nila ang mga paganong bansang nakapaligid sa kanila, silang pinag-utos na Yahweh na huwag gagayahin.
2 Chronicles 36:15Si Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno ay nagpadala ng mensahe sa kanila sa pamamagitan ng kaniyang mga mensahero nang paulit-ulit, dahil mayroon siyang habag sa kaniyang mga tao at sa lugar kung saan siya naninirahan.
Nehemiah 9:26Pagkatapos, sila ay naging suwail at naghimagsik laban sa iyo. Tinapon nila ang iyong batas sa kanilang likuran. Pinatay nila ang iyong mga propeta na nagbabala sa kanila na bumalik sa iyo, at gumawa sila ng matinding mga kalapastanganan.
Psalms 95:7Dahil siya ang ating Diyos, at tayo ang mga tao sa kaniyang pastulan at ang mga tupa ng kaniyang kamay. Ngayon, marinig niyo nawa ang kaniyang tinig!
Isaiah 42:23Sino sa inyo ang makikinig nito? Sino ang makikinig at pakikinggan ang hinaharap?