2 Chronicles 25:19
Sinabi mo, 'Tingnan mo, napabagsak ko ang Edom' at itinaas ka ng iyong puso. Magmalaki ka sa iyong tagumpay ngunit manatili ka sa tahanan, sapagkat bakit mo ipapahamak at ibabagsak ang iyong sarili, ikaw at ang Juda na kasama mo?”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 8:14na pagkatapos ang inyong puso ay maaaring magmataas, at maaari ninyong makalimutan si Yahweh na inyong Diyos, na nagpalabas sa inyo mula sa lupain ng Ehipto, mula sa tahanan ng pagkakaalipin.
2 Chronicles 32:25Ngunit hindi tumanaw ng utang na loob si Ezequias kay Yahweh sa tulong na ibinigay sa kaniya, sapagkat nagmalaki ang kaniyang puso. Kaya dumating ang galit sa kaniya, sa Judah at sa Jerusalem.
Proverbs 13:10Ang pagmamataas ay nagbubunga lamang ng pag-aaway-away, pero mayroong karunungan para sa mga nakikinig ng mabuting payo.
Proverbs 18:6Ang labi ng mangmang ay nagdadala ng alitan at ang kaniyang bibig ay nag-aanyaya ng kaguluhan.
Proverbs 26:17Tulad ng isang humahawak ng mga tainga ng isang aso ay isang taong dumadaan na nagagalit sa alitan na hindi kanya.
Jeremiah 9:23Ito ang sinasabi ni Yahweh, “Huwag ninyong hayaang magyabang ang mga matatalino sa kanilang karunungan o ang mandirigma sa kaniyang kalakasan. Huwag ninyong hayaang magyabang ang mayamang tao sa kaniyang kayamanan.