2 Chronicles 28:1
Si Ahaz ay dalawampung taong gulang nang magsimula siyang maghari at naghari siya sa Jerusalem ng labing-anim na taon. Hindi niya ginawa ang tama sa mga mata ni Yahweh, katulad ng ginawa ni David na kaniyang ninuno.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Chronicles 3:13Anak ni Jotam si Ahaz. Anak ni Ahaz si Ezequias. Anak ni Ezequias si Manases.
2 Chronicles 27:9Si Jotam ay namatay at siya ay kanilang inilibing sa lungsod ni David. Si Ahaz, na kaniyang anak ang pumalit sa kaniya bilang hari.
Isaiah 1:1Ang pangitain ni Isaias, anak ni Amos, na kaniyang nakita patungkol sa Judah at Jerusalem, sa mga araw ni Uzias, Jotam, Ahaz at Hezekias, ang mga hari ng Juda.
Hosea 1:1Ito ang salita ni Yahweh na dumating kay Hosea, na anak na lalaki ni Beeri sa panahon nina Uzias, Jotam, Ahaz, at Hezekias na mga hari ng Juda, at sa panahon ni Jeroboam, na anak na lalaki ni Jehoas na hari ng Israel.
Matthew 1:9Si Ozias ang ama ni Jotam, si Jotam ang ama ni Acaz, si Acaz ang ama ni Ezequias.