bible.software › 2 Chronicles › 2 Chronicles 29 › 2 Chronicles 29:17
2 Chronicles 29:17
Ngayon, nagsimula sila sa unang araw ng unang buwan upang italaga ang tahanan kay Yahweh, at sa ika-walong araw ng buwan, nagpunta sila sa portiko ni Yahweh. Itinalaga nila ang tahanan ni Yahweh sa loob ng walong araw. Natapos sila sa ikalabing-anim na araw ng unang buwan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
Now they began on the first day of the first month to sanctify, and on the eighth day of the month came they to the porch of the LORD: so they sanctified the house of the LORD in eight days; and in the sixteenth day of the first month they made an end.
In Context
16Pumasok ang mga pari sa kaloob-loobang bahagi ng tahanan ni Yahweh upang linisin ito, inilabas nila sa may patyo ng bahay ang lahat ng mga maruruming nakita nila sa templo ni Yahweh. Kinuha ng mga Levita ang mga ito upang dalhin sa batis ng Kidron.
18Pagkatapos nagpunta sila kay haring Ezequias sa loob ng palasyo at sinabi, “Nalinis na namin ang buong tahanan ni Yahweh, ang altar para sa mga handog na susunugin kasama ang lahat ng mga kasangkapan nito, at ang mesa ng tinapay na handog kasama ang lahat ng mga kasangkapan nito.
Read all of 2 Chronicles 29
Cross References
Exodus 12:2“Para sa inyo, ang buwan na ito ay magiging simula ng mga buwan, ang unang buwan ng taon sa inyo.
1 Chronicles 28:11Pagkatapos nito ibinigay ni David kay Solomon na kaniyang anak ang plano para sa portiko ng templo, ng mga gusali ng templo, ng mga silid imbakan, ng mga silid na nasa itaas, ng mga silid sa loob, at ang silid kung saan ilalagay ang takip ng luklukan ng awa.
2 Chronicles 29:3Sa unang taon ng kaniyang paghahari, sa unang buwan, binuksan ni Ezequias ang mga pintuan ng tahanan ni Yahweh at isinaayos ang mga ito.
This Verse In Other Editions
Study 2 Chronicles 29:17