2 Chronicles 29:22
Kaya kinatay nila ang mga lalaking baka, at kinuha ng mga pari ang dugo at iwinisik ito sa altar. Kinatay nila ang mga lalaking tupa at iwinisik ang dugo sa altar; kinatay din nila ang mga kordero at iwinisik ang dugo sa altar.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 1:5Pagkatapos dapat niyang patayin ang toro sa harapan ni Yahweh. Ang mga anak na lalaki ni Aaron, ang mga pari, ihahandog ang dugo at isasaboy ito sa altar na nasa pasukan ng tolda ng pagpupulong.
Leviticus 4:18Maglalagay siya ng kaunting dugo sa mga sungay ng altar na nasa harapan ni Yahweh, na nasa tolda ng pagpupulong, at ibubuhos niya ang lahat ng dugo sa paanan ng altar para sa mga handog na susunugin, na nasa pasukan ng tolda ng pagpupulong.
Leviticus 8:14Dinala ni Moises ang torong handog para sa kasalanan, at si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki ay ipinatong ang kanilang mga kamay sa ulo ng toro na kanilang dinala para ihandog para sa kasalanan.
Leviticus 8:24Dinala niya ang mga anak na lalaki ni Aaron, at inilagay niya ang kaunting dugo sa ibabaw ng dulo ng kanilang kanang tainga, sa hinlalaki ng kanilang kanang kamay, at sa hinlalaki ng kanilang kanang paa. Pagkatapos isinaboy ni Moises ang dugo nito sa bawat gilid ng altar.