2 Chronicles 29:35
Sa karagdagan, mayroong napakaraming alay na susunugin; ginawa ang mga ito kasama ang taba ng mga alay pangkapayapaan, at mayroong inuming handog sa bawat alay na susunugin. At nagawa nang may kaayusan ang seremonya sa tahanan ni Yahweh.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 35:14Si Nagtayo si Jacob ng haligi sa lugar kung saan nangusap sa kanya ang Diyos, isang haliging bato. Nagbuhos siya ng handog na inumin at nagbuhos ng langis doon.
Leviticus 3:15Aalisin niya rin ang dalawang bato at ang taba na nasa mga ito, na nasa mga puson at ang taba ng atay kasama ang mga bato.
Leviticus 3:17Magiging isang permanenteng batas ito sa lahat ng mga salinlahi ng inyong bayan sa bawat lugar na gagawan ninyo ng inyong bahay, na dapat hindi kayo kakain ng taba o dugo.”'
Numbers 15:5Dapat din kayong maghanda ng ikaapat na hin ng alak bilang inuming handog. Gawin ninyo ito kasama ang alay na susunugin o kasama ang alay ng bawat batang tupa.
Ezra 6:18Itinalaga rin nila ang mga pari at mga Levita na gumawa ng kaniya-kaniyang gawain para sa paglilingkod sa Diyos sa Jerusalem, gaya ng nasusulat sa Aklat ni Moises.