2 Chronicles 3:1
At sinimulang ipatayo ni Solomon ang tahanan ni Yahweh sa Jerusalem sa Bundok ng Moria, kung saan nagpakita si Yahweh kay David na kaniyang ama. Inihanda niya ang lugar na binalak ni David para rito sa giikan ni Ornan na Jebuseo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 22:14Kaya tinawag ni Abraham ang lugar na iyon na, “Si Yahweh ang magbibigay,” at tinatwag din hanggang sa araw na ito, “Sa bundok ni Yaweh, ito ay ibibigay.”
2 Samuel 24:18Pagkatapos pumunta si Gad nang araw na iyon kay David at sinabi sa kaniya, “Umakyat ka at gumawa ng altar para kay Yahweh sa giikan ni Arauna na Jebuseo.”
1 Kings 6:6Ang pinakamababang palapag ay limang kubit ang lawak, ang gitna ay anim na kubit ang lawak, at ang ikatlo ay pitong kubit ang lawak. Para sa labas gumawa siya ng ungos sa mga pader ng templo sa lahat ng paligid para ang mga biga ay hindi maaring maisingit sa mga pader ng templo.
1 Chronicles 22:1At sinabi ni David, “Dito itatayo ang tahanan ng Diyos na si Yahweh, kasama ang altar para sa mga handog na susunugin ng Israel.”