2 Chronicles 30:14
Tumindig sila at inalis ang mga altar na nasa Jerualem at ang lahat ng mga altar ng insenso; at itinapon ang mga iyon sa batis ng Kidron.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Kings 18:22Pero kapag sinabi mo sa akin, 'Nagtitiwala kami kay Yahweh aming Diyos', hindi ba't siya ang tinaggalan ni Hezekias ng mga dambana at mga altar, at sinabi sa Juda at sa Jerusalem, 'Dapat kayong magsamba sa altar na ito sa Jerusalem'?
2 Chronicles 15:16Inalis din niya sa pagiging reyna si Maaca na kaniyang lola dahil gumawa siya ng kasuklam-suklam na imahe ng diyosang si Ashera. Giniba ni Asa ang kasuklam-suklam na imahe, dinurog niya iyon at sinunog sa batis ng Kidron.
2 Chronicles 29:16Pumasok ang mga pari sa kaloob-loobang bahagi ng tahanan ni Yahweh upang linisin ito, inilabas nila sa may patyo ng bahay ang lahat ng mga maruruming nakita nila sa templo ni Yahweh. Kinuha ng mga Levita ang mga ito upang dalhin sa batis ng Kidron.
2 Chronicles 34:3Dahil sa ikawalong taon ng kaniyang paghahari, habang siya ay bata pa, sinimulan niyang hanapin ang Diyos ni David na kaniyang ninuno. Sa ikalabing dalawang taon, sinimulan niyang linisin ang Juda at Jerusalem mula sa mga dambana, mga imahen ni Ashera, at mga inukit na mga imahe, at ang mga molde ng imahe na gawa sa metal.
2 Chronicles 34:7Giniba niya ang mga altar, dinurog ang mga imahen ni Ashera at ang mga inukit na imahe hanggang sa naging pulbos ang mga ito, at hinati-hati ang lahat ng altar ng insenso sa lahat ng dako ng lupain ng Israel. Pagkatapos ay bumalik siya sa Jerusalem.
Isaiah 36:7Pero kung sasabihin mo sa akin, “Kami ay nagtitiwala kay Yahweh aming Diyos,” hindi ba siya ang isang ang mga bantayog at altar ay giniba ni Hezekias, at nagsabi kay Juda at sa Jerusalem, “Dapat kayong sumamba sa harap ng altar na ito sa Jerusalem?