2 Chronicles 30:18
Sapagkat marami sa mga tao, ang karamihan sa kanila ay mula sa Efraim, Manases, Isacar at Zebulun, ang hindi nakapaglinis ng kanilang sarili, gayon pa man kumain sila ng pagkaing pampaskwa, labag sa nakasulat na tagubilin. Ipinanalangin sila ni Ezequias, na nagsasabing, “Patawarin nawa ng mabuting Yahweh ang bawa't isa
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 20:17Pagkatapos, nanalangin si Abraham sa Diyos at pinagaling ng Diyos si Abimelech, ang kanyang asawa, at kanyang mga babaeng alipin para sila ay tuluyan ng magkaroon ng anak.
Exodus 34:6Dumaan si Yahweh sa kaniya at inihayag, “Yahweh, Yahweh, ang Diyos ay maawain at mapagbigay-loob, hindi madaling magalit, at nag-uumapaw sa katapatan ng tipan at mapagkakatiwalaan,
Numbers 9:7Sinabi ng mga lalaking iyon kay Moises, “Marumi kami dahil sa patay na katawan ng isang tao. Bakit mo kami pinipigilan sa pag-aalay ng handog kay Yahweh sa panahon panahon ng bawat taon sa mga tao ng Israel?”
Numbers 14:18banayad si Yahweh kung magalit at sagana sa tipan ng katapatan. Pinapatawad niya ang kasamaan at pagsuway. Hindi siya magpapawalang sala kapag dadalhin niya ang parusa ng kasalanan ng mga ninuno sa kanilang mga kaapu-apuhan, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salinlahi.'
2 Kings 5:18Pero patawarin sana ni Yahweh ang iyong lingkod sa isang bagay na ito, iyon ay, kapag pumunta ang hari sa tahanan ni Rimmon para sumamba roon, at kumapit siya sa kamay ko, at yumuko ako sa tahanan ni Rimmon. Patawarin nawa ni Yahweh ang iyong lingkod sa bagay na ito.”
2 Chronicles 30:11Gayunpaman, may mga kalalakihan sa Aser at Manases at Zebulun na nagpakumbaba, at pumunta sa Jerusalem.