2 Mga Cronica 32:15
Ngayon huwag ninyong hayaan na linlangin o hikayatin kayo ni Ezequias sa paraang ito. Huwag kayong maniwala sa kaniya, sapagkat wala diyos ng anumang bansa o kaharian ang nakapagligtas ng kaniyang bayan mula sa aking mga kamay, o mula sa kamay ng aking mga ninuno. Gaano pa kaya kayo ililigtas ng ang inyong Diyos mula ssa aking kamay?”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 5:2Sinabi ni Paraon, “Sino si Yahweh? Bakit ako makikinig sa kaniyang tinig at hahayaang umalis ang Israel? Hindi ko kilala si Yahweh; bukod dito, hindi ko papayagang umalis ang Israel.”
1 Kings 22:22Sumagot ang espiritu, 'Lalabas ako at magiging isang mapanlinlang na espiritu sa bibig ng lahat ng kaniyang mga propeta.' Sumagot si Yahweh, 'Uudyukan mo siya, at ikaw rin ay magtatagumpay. Pumunta ka na ngayon at gawin iyon.'
2 Kings 19:10“Sabihin mo kay Hezekias hari ng Juda, 'Huwag mong hayaang linlangin ka ng Diyos na siyang pinagkakatiwalaan mo, na sinasabing, “Hindi mapapasakamay ng hari ng Asiria ang Jerusalem.
Isaiah 36:18Huwag ninyong hayaan na iligaw kayo ni Hezekias, sinasabing, 'sasagipin tayo ni Yahweh'. Mayroon bang mga diyos ng mga tao ang sasagip sa kanila mula sa kapangyarihan ng hari ng Asiria?
Daniel 3:15Ngayon, kung handa na kayo—kapag maririnig ninyo ang mga tunog ng mga tambuli, mga plauta, mga sitar, mga lira, mga alpa at mga saltero at lahat ng uri ng tugtugin—magpatirapa at dumapa sa imahen na aking ginawa at magiging maayos ang lahat. Ngunit kapag hindi kayo sasamba, kaagad kayong itatapon sa naglalagablab na pugon. Sinong diyos ang maaaring magligtas sa inyo mula sa aking mga kamay?”
Acts 19:26Nakikita at naririnig ninyo iyon, hindi lang sa Efeso, ngunit halos sa buong Asia. Ang Pablong ito ay nanghikayat at nagpalayo ng maraming tao. Sinasabi niya na walang mga diyos-diyosan na gawa sa mga kamay.