2 Mga Cronica 33:14
Pagkatapos nito, gumawa si Manases ng panlabas na pader sa lungsod ni David, sa kanlurang bahagi ng Gihon, sa lambak, hanggang sa pasukan na tinatawag na Isdang Tarangkahan. Pinalibutan niya ang burol ng Ofel ng mga napakataas na pader. Naglagay siya ng mga matatapang na pinuno ng kawal sa lahat ng mga pinagtibay na lungsod ng Juda.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Kings 1:33Sinabi ng hari sa kanila, “Magsama kayo ng mga lingkod ko na inyong panginoon, at pasakayin ninyo si Solomon na aking anak sa aking sariling mola at dalhin ninyo siya sa Gihon.
2 Chronicles 11:11Pinatibay niya ang mga tanggulan at naglagay ng mga pinuno sa mga ito na may kasamang imbakan ng mga pagkain, langis at alak.
2 Chronicles 27:3Itinayo niya ang mataas na tarangkahan sa tahanan ni Yahweh, at sa burol ng Ofel ay nagtayo pa siya ng marami.
2 Chronicles 32:30Si Ezequias din na ito ang nagpatigil sa bukal ng tubig sa itaas ng Gihon, at pinaagos ito pababa patungo sa gilid ng kanlurang bahagi ng lungsod ni David. Nagtagumpay si Ezequias sa lahat ng kaniyang gawain.
Nehemiah 3:26Ngayon ang mga lingkod ng templo na naninirahan sa Ofel ang nag-ayos sa kabilang bahagi ng Tarangkahan ng Tubig sa silangan ng nakausling tore.
Isaiah 32:14Dahil ang palasyo ay iiwan, ang matataong lungsod ay pababayaan; ang burol at ang bantayang tore ay magiging mga kweba habang-buhay, isang kagalakan para sa mga ligaw na asno, isang pastulan ng mga kawan;