2 Chronicles 34:6
Ginawa rin niya ito sa mga lungsod ng Manases, Efraim, at Simeon, hanggang sa Neftali, at sa mga nawasak na lugar na nakapalibot sa kanila.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Kings 23:15Giniba rin ni Josias ang altar na nasa Bethel at ang dambana na itinayo ni Jeroboam, anak na lalaki ni Nebat, na nanguna sa Israel para magkasala. Sinunog niya ang altar sa dambana at dinurog ito; sinunog niya rin ang poste ni Asera.
2 Chronicles 30:1Nagpapunta si Ezequias ng mga mensahero sa buong Israel at Juda, at sumulat din ng liham sa Efraim at Manases, na kinakailangan nilang pumunta sa tahanan ni Yahweh sa Jerusalem, upang ipagdiwang ang Paskwa ni Yahweh, ang Diyos ng Israel.
2 Chronicles 31:1Ngayon nang matapos ang lahat ng ito, pumunta sa lungsod ng Juda ang lahat ng mga Israelita naroon at dinurog ang sagradong haliging mga bato, pinutol ang mga imahen ni Ashera, at giniba ang mga dambana at mga altar sa buong Juda at Benjamin. Ginawa rin nila ito sa Efraim at Manases, hanggang sa mawasak nilang lahat ang mga ito. At bumalik ang mga tao ng Israel, bawat isa sa kaniyang sariling lupain at lungsod.
Isaiah 7:25Lalayo sila mula sa lahat ng mga burol na kanilang binungkal gamit ang asarol, dahil sa takot sa mga dawag at tinik; pero magiging lugar ito kung saan manginginain ang mga baka at tupa.