2 Mga Cronica 35:15
Ang mga mang-aawit, ang mga kaapu-apuhan ni Asaf ay nasa kanilang mga pwesto, gaya ng iniutos ni David, sina Asaf, Heman at Jeduthun, ang mga propeta ng hari. Nasa bawat tarangkahan ang mga bantay, hindi nila kinakailangang umalis sa kanilang mga pwesto dahil ang kanilang mga kapatid na mga Levita ang naghanda ng mga handog para sa kanila.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Chronicles 16:41Kasama nila sina Heman at Jeduthun, gayon din ang mga pinili sa pangalan upang magpasalamat kay Yahweh dahil ang kaniyang matapat na kasunduan ay magtatagal magpakailanman.
1 Chronicles 25:1Si David at ang mga pinuno ng manggagawa ng tabernakulo ay pumili ng ilan sa mga anak nina Asaf, Heman at Jeduthun para sa ilang mga gawain na ito. Nagpahayag ng propesiya ang mga kalalakihang ito nang may arpa, mga instrumentong may kuwerdas at mga pompiyang. Ito ang listahan ng mga kalalakihang gumawa ng gawaing ito:
1 Chronicles 26:12Ang pagkakapangkat-pangkat na ito ng mga tagapagbantay ng tarangkahan, na ayon sa kanilang mga pinuno ay may mga tungkulin na tulad ng kanilang mga kamag-anak, upang maglingkod sa tahanan ni Yahweh.
2 Chronicles 29:25Inilagay ni Ezequias ang mga Levita sa tahanan ni Yahweh na may mga pompyang, mga alpa at mga lira, isinasaayos ang mga ito ayon sa utos ni David, ni Gad na propeta ng hari, at ng propetang si Natan, sapagkat ang utos ay mula kay Yahweh sa pamamagitan ng kaniyang mga propeta.
Ezra 6:20Nilinis ng mga pari at mga Levita ang kanilang mga sarili at kinatay ang mga Pampaskua na mga alay para sa lahat ng mga nanggaling sa pagkakatapon, kasama ang mga pari at Levita.
Psalms 78:1Dinggin ninyo ang aking mga tinuturo, aking bayan, makinig kayo sa mga salita ng aking bibig.