2 Chronicles 6:10
Tinupad ni Yahweh ang salitang kaniyang sinabi, sapagkat bumangon ako kapalit ni David na aking ama, at umupo ako sa trono ng Israel, ayon sa ipinangako ni Yahweh. Ipinatayo ko ang tahanan para sa pangalan ni Yahweh, ang Diyos ng Israel.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Kings 2:12Pagkatapos naupo si Solomon sa trono ng kaniyang ama na si David, at ang kaniyang pamumuno ay naging matatag.
1 Chronicles 17:11At mangyayari na kapag natapos na ang iyong mga araw upang ikaw ay pumunta sa iyong mga ninuno, gagawin kong tagapamuno ang iyong kaapu-apuhan na susunod sa iyo, at sa isa sa iyong sariling kaapu-apuhan, itatatag ko ang kaniyang kaharian.
1 Chronicles 28:5Mula sa maraming anak na ibinigay ni Yahweh sa akin, pinili niya si Solomon, na aking anak, na maupo sa trono ng kaharian ni Yahweh sa buong Israel.
1 Chronicles 29:23At umupo si Solomon sa trono ni Yahweh bilang hari sa halip na si David na kaniyang ama. Pinagpala siya, at sinunod siya ng buong Israel.
Ecclesiastes 1:4Isang angkan ang lumilipas, at isa namang angkan ang dumarating, ngunit mananatili ang daigdig magpakailanman.