2 Chronicles 6:23
dinggin mo mula sa langit at kumilos ka at hatulan mo ang iyong mga lingkod, na papagbayarin ang masama, upang parusahan siya ng nararapat sa kaniyang ginawa. At ipahayag mong matuwid ang walang kasalanan, upang ibigay sa kaniya ang gantimpala dahil sa kaniyang pagkamatuwid.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 5:27Kapag bibigyan niya ang babae ng tubig upang inumin, kung nadungisan siya dahil nakagawa siya ng isang kasalanan laban sa kaniyang asawang lalaki, ang tubig na magdadala ng sumpa ay papasok sa kaniya at magiging mapait. Mamamaga ang kaniyang tiyan at mabubulok ang kaniyang hita. Isusumpa ang babae sa gitna kaniyang mga tao.
2 Kings 9:26'Totoong nakita ko kahapon ang dugo ni Nabot at ang dugo ng kaniyang mga anak na lalaki, sinasabi ni Yahweh, at gagantihan kita sa bukid na ito,' sinasabi ni Yahweh. Kaya ngayon, kunin at itapon siya sa lugar, sa bukid na iyon, para maganap kung ano ang sinabi sa atin na mangyayari sa salita ni Yahweh.”
Proverbs 1:31Kakainin nila ang bunga sa kanilang pamamaraan, at sa bunga ng kanilang mga balak sila ay maaaring mabusog.
Isaiah 3:10Sabihin mo sa matuwid na magiging maayos ang lahat sa kaniya; dahil kakainin niya ang bunga ng mga gawain niya.
Jeremiah 51:56Sapagkat dumating ang mga wawasak sa kaniya, wawasak sa Babilonia, at nahuli na ang kaniyang mga mandirigma. Ang kanilang mga pana ay nabali sapagkat si Yahweh ay ang Diyos ng paghihiganti, tiyak na gagawin niya ang pagbabayad na ito.
Romans 2:9Magdadala ang Diyos ng pagdurusa at paghihirap sa bawat kaluluwa ng taong gumagawa ng masama, una sa mga Judio at gayon din sa mga Griyego.