2 Chronicles 6:30
Kung gayon, pakinggan mo mula sa langit, ang lugar kung saan ka nakatira; patawarin mo, at gantimpalaan mo ang bawat tao sa lahat ng kaniyang kaparaanan; alam mo ang kaniyang puso, sapagkat tanging ikaw lamang ang nakakaalam sa puso ng mga tao.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Kings 8:39Pagkatapos ay makinig ka mula sa kalangitan, ang lugar kung saan ka naninirahan, magpatawad at kumilos, at bigyan ng gantimpala ang bawat tao sa kaniyang ginagawa; alam mo ang kaniyang puso, dahil ikaw at ikaw lamang ang nakakaalam ng puso ng lahat ng tao.
1 Chronicles 29:17Alam ko rin, aking Diyos, na iyong sinusuri ang puso at nalulugod sa katuwiran. Para sa akin, sa katapatan ng aking puso, kusang-loob kong inihandog ang lahat ng mga bagay na ito at nagagalak akong tumitingin sa iyong mga tao na narito na kusang-loob na naghahandog sa iyo.
Psalms 7:10Ang aking kalasag ay nanggagaling mula sa Diyos, ang nagliligtas ng mga pusong matuwid.
Psalms 18:20Ginantimpalaan ako ni Yahweh dahil sa aking katuwiran; tinulungan niya akong bumangon dahil ang aking mga kamay ay malinis.
Proverbs 15:11Ang Sheol at pagkawasak ay nasa harap ni Yahweh; gaano pa kaya ang puso ng mga kaapu-apuhan ng sangkatauhan?
Ezekiel 18:30Kaya hahatulan ko ang bawat isa sa inyo ayon sa inyong kaparaanan, sambahayan ng Israel! —ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh. Magsisi kayo at talikuran ninyo ang lahat ng inyong mga pagsalangsang upang ang mga ito ay hindi maging kasalanan na katitisuran laban sa inyo.