2 Chronicles 6:32
Dagdag pa rito, tungkol sa dayuhang hindi kabilang sa iyong mga taong Israel: kapag siya ay dumating mula sa malayong bansa dahil sa iyong dakilang pangalan, sa iyong makapangyarihang kamay, at sa iyong nakataas na bisig; kapag sila ay dumating at mananalangin patungo sa tahanang ito—
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 12:48Kapag maninirahan ang isang dayuhan sa inyo at gustong obserbahan ang Paskua para kay Yahweh, lahat ng kaniyang lalaking kamag-anak ay dapat tuliin. Pagkatapos siya ay maaaring dumating at sundin ito. Siya ay magiging katulad ng mga taong ipinanganak sa lupain. Ganun pa man, walang sinumang taong hindi tuli ang makakakain ng anumang pagkain.
Exodus 18:8Isinalaysay ni Moises sa kaniyang biyenan na lalaki ang lahat ng ginawa ni Yahweh kay Paraon at sa mga taga-Ehipto alang-alang sa kapakanan ng Israel, tungkol sa lahat ng mga paghihirap na dumating sa kanilang paglalakbay, at kung paano sila niligtas ni Yahweh.
Joshua 9:9Sinabi nila sa kaniya, “Naparito ang inyong mga lingkod mula sa isang napakalayong lupain, dahil sa pangalan ni Yahweh na inyong Diyos. Narinig namin ang isang ulat tungkol sa kaniya at tungkol sa lahat ng bagay na ginawa niya sa Ehipto—
Ruth 2:11Sumagot si Boaz at sinabi sa kaniya,” Naibalita sa akin, lahat ng nagawa mo simula nang mamatay ang iyong asawa. Iniwan mo ang iyong ama, ina, at ang lupain ng iyong kapanganakan para sundan ang iyong biyenang babae at para pumunta sa isang bayang hindi mo kilala.
1 Kings 10:1Nang mabalitaan ng reyna ng Seba ang katanyagan ni Solomon tungkol sa pangalan ni Yahweh, pumunta siya para subukin si Solomon sa pamamagitan ng mga mahihirap na tanong.
2 Kings 5:8Kaya nang marinig ni Eliseo, ang lingkod ng Diyos, na pinunit ng hari ng Israel ang kaniyang damit, nagpadala siya ng mensahe sa hari nagsasabing, “Bakit mo pinunit ang iyong mga damit? Papuntahin mo siya sa akin at malalaman niyang may propeta sa Israel.”