The Bible Software
bible.software2 Chronicles2 Chronicles 6 › 2 Chronicles 6:37

2 Chronicles 6:37

At ipagpalagay na napagtanto nila na sila ay nasa lupain kung saan sila ay sapilitang dinala, at ipagpalagay na nagsisi sila at humingi ng pabor mula sa iyo sa lupain ng kanilang pagkakabihag. Ipagpalagay na sasabihin nila, 'Naging matigas ang aming ulo at nagkasala kami. Gumawa kami ng kasamaan.'

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

Yet if they bethink themselves in the land whither they are carried captive, and turn and pray unto thee in the land of their captivity, saying, We have sinned, we have done amiss, and have dealt wickedly;

In Context

36Ipagpalagay na nagkasala sila laban sa iyo—yamang walang sinuman ang hindi nagkakasala—at ipagpalagay na galit ka sa kanila at ibibigay mo sila sa kanilang kaaway, upang dalhin sila ng kaaway at gawin silang mga bihag sa kanilang lupain, maging malayo man o malapit.

38Ipagpalagay na sila ay magbabalik-loob sa iyo nang buong puso nila at buong kaluluwa nila sa lupain kung saan sila binihag, kung saan sila dinala bilang mga bihag, at ipagpalagay na mananalangin sila tungo sa kanilang lupain, na ibinigay mo sa kanilang mga ninuno, at tungo sa lungsod na iyong pinili, at tungo sa tahanan na aking itinayo para sa iyong pangalan.

Read all of 2 Chronicles 6

Cross References

Deuteronomy 4:29Pero mula doon hahanapin ninyo si Yahweh na inyong Diyos, at matatagpuan ninyo siya, kapag hinanap ninyo siya ng inyong buong puso at ng inyong buong kaluluwa.

2 Chronicles 7:14Sa panahong iyon kung ang aking mga tao na tinawag sa pamamagitan ng aking pangalan ay magpapakumbaba, mananalangin, hahanapin ako, at tatalikod sa kanilang masasamang gawain, makikikiibig ako mula sa langit, patatawarin ko ang kanilang kasalanan, at pagagalingin ko ang kanilang lupain.

Nehemiah 1:6Pakinggan mo ang aking panalangin at buksan mo ang iyong mga mata, para marinig mo ang panalangin ng iyong lingkod na aking ipinanalangin sa harapan mo araw at gabi para sa mga bayan ng Israel na iyong mga lingkod. Ipinagtatapat ko ang mga kasalanan ng mga bayan ng Israel, na kami ay nagkasala laban sa iyo. Ako at ang tahanan ng aking ama ay nagkasala.

Job 33:27Pagkatapos aawit ang taong iyon sa harap ng mga tao at sasabihin, “Nagkasala ako at binaluktot kung alin ang tama, pero hindi pinarusahan ang aking kasalanan.

Isaiah 64:6Dahil kaming lahat ay naging tulad ng isang taong marumi, at lahat ng aming matutuwid na gawa ay parang pasador. Kaming lahat ay nalanta na parang dahon; ang aming mga kasamaan, tulad ng hangin, ay naglayo sa amin.

Jeremiah 31:18Tiyak na narinig kong nagdadalamhati ang Efraim, 'Pinarusahan mo ako at ako ay naparusahan. Ibalik mo ako kagaya ng baka na hindi pa naturuan at ako ay babalik, sapagkat ikaw si Yahweh na aking Diyos.

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study 2 Chronicles 6:37

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← 2 Chronicles 6:362 Chronicles 62 Chronicles 6:38 →