2 Chronicles 6:5
'Mula noong araw na inilabas ko ang aking mga tao mula sa lupain ng Ehipto, wala akong piniling lungsod mula sa lahat ng lipi ng Israel kung saan magtatayo ng tahanan, upang naroon ang aking pangalan. Ni hindi ako pumili ng sinumang tao upang maging prinsipe sa aking bayang Israel.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 20:24Kailangan gumawa ka ng isang makalupang altar para sa akin at kailangang ihain mo itong mga handog na susunugin, mga handog ng pagtipon-tipon, tupa at mga baka. Sa bawat lugar na kung saan pararangalan ang pangalan ko, pupuntahan at pagpapalain kita.
Deuteronomy 12:5Pero sa lugar na pipiliin ni Yahweh na inyong Diyos mula sa lahat ng inyong mga lipi para ilagay ang kaniyang pangalan, na magiging lugar kung saan siya titira, at doon kayo pupunta.
1 Samuel 10:24Pagkatapos sinabi ni Samuel sa mga tao, “Nakikita ba ninyo ang lalaking pinili ni Yahweh?” Walang isa mang katulad niya sa lahat ng tao!” Sumigaw ang lahat ng tao, “Mabuhay ang hari!”
1 Samuel 15:23Sapagkat ang paghihimagsik ay tulad ng kasalanan ng panghuhula, at pagkasutil at tulad ng kasamaan at katampalasan. Dahil tinanggihan mo ang salita ni Yahweh, tinanggihan ka rin niya mula sa pagiging hari.”
2 Samuel 7:15Pero hindi siya iiwan ng aking tipan ng katapatan, gaya ng pagkuha nito kay Saul, na inalis ko mula sa harapan mo.
2 Kings 21:4Nagtayo si Manasses ng paganong mga altar sa tahanan ni Yahweh, bagaman inutos ni Yahweh, “Sa Jerusalem mananatili ang aking pangalan magpakailanman.”