2 Chronicles 7:1
Ngayon pagkatapos manalangin ni Solomon, bumaba ang apoy mula sa langit at nilamon ang mga handog na susunugin at ang mga Alay, at pinuno ng kaluwalhatian ni Yahweh ang tahanan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 15:17Nang lumubog na ang araw at dumilim, masdan, isang umuusok na banga at umaapoy na sulo ang dumaan sa pagitan ng mga piraso.
Exodus 40:34Pagkatapos binalot ng ulap ang tolda ng pagpupulong, at napuno ng kaluwalhatian ni Yahweh ang tabernakulo.
Leviticus 9:24Lumabas ang apoy mula kay Yahweh at tinupok ang handog na susunugin at ang taba sa altar. Nang makita ito ng lahat ng mga tao, sumigaw sila at nagpatirapa.
1 Kings 8:10Ito ang nangyari nang ang mga pari ay lumabas mula sa banal na lugar, napuno ng ulap ang templo ni Yahweh.
1 Kings 9:1Pagkatapos maitayo ni Solomon ang templo ni Yahweh at ang palasyo ng hari, at pagkatapos niyang magawa ang lahat ng ninais niyang gawin,
1 Kings 18:38Pagkatapos kaagad ang apoy ni Yahweh ay bumaba, at tinupok ang handog na susunugin, maging ang kahoy, ang mga bato, at ang lupa, at tinuyo ang tubig na nasa kanal.