2 Chronicles 8:12
Pagkatapos nito, naghandog si Solomon ng mga alay na susunugin kay Yahweh sa ipinagawa niyang altar sa harap ng portiko.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Chronicles 1:6Pumunta si Solomon doon sa altar na tanso sa harapan ni Yahweh, na naroon sa toldang tipanan at naghandog dito ng isang libong sinunog na mga alay.
2 Chronicles 15:8Nang marinig ni Asa ang mga salitang ito, ang propesiya ni propeta Oded, lumakas ang kaniyang loob at ipinaalis ang mga bagay na kasuklam-suklam sa buong lupain ng Juda at Benjamin at sa mga lungsod na nabihag niya mula sa bayan sa burol ng Efraim. Muli niyang ipinatayo ang dambana ni Yahweh na nasa harapan ng portiko ng tahanan ni Yahweh.
Ezekiel 45:17Magiging tungkulin ng prinsipe na magbigay ng mga hayop para sa mga alay na susunugin, mga handog na butil, mga handog na inumin sa mga pagdiriwang at ang mga pagdiriwang ng Bagong Buwan, at sa mga Araw ng Pamamahinga—sa lahat ng mga itinakdang pagdiriwang ng sambahayan ng Israel. Magbibigay siya ng mga handog dahil sa kasalanan, mga handog na butil, mga handog na susunugin at mga handog pangkapayapaan para sa kabayaran sa kapakanan ng sambahayan ng Israel.
John 10:23Taglamig noon, at naglalakad si Jesus sa templo sa portiko ni Solomon.