2 Corinto 4:5
Sapagkat hindi namin ipinapangaral ang aming mga sarili, kundi si Cristo Jesus bilang Panginoon, at kami bilang inyong mga lingkod alang-alang kay Jesus.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
For we preach not ourselves, but Christ Jesus the Lord; and ourselves your servants for Jesus’ sake.
In Context
Cross References
Matthew 20:25Ngunit tinawag sila ni Jesus sa kaniya at sinabi, “Alam ninyo na ang mga namumuno sa mga Gentil ay nanglulupig sa kanila, at ang mga mahahalagang mga tao sa kanila ay gumagamit ng kapangyarihan upang sundin sila.
Luke 22:25Sinabi niya sa kanila, “Ang mga hari ng mga Gentil ay may kapangyarihang pamunuan sila, at ang mga may kapangyarihan sa kanila ay tinawag na mga pinunong kagalang-galang.
John 3:27Sumagot si Juan, “Walang anumang bagay ang tatanggapin ng isang tao maliban na lamang kung ito ay ibinigay sa kaniya mula sa langit.
John 13:14Kung ako nga na Panginoon at Guro, ay hinugasan ang iyong mga paa, dapat ninyo ring hugasan ang mga paa ng iba.
Acts 3:12Nang makita ito ni Pedro, sumagot siya sa mga tao, “Kayong mga Israelita, bakit kayo nagtataka? Bakit kayo nakatitig sa amin, na parang kami ang nakapagpalakad sa kaniya sa pamamagitan ng aming sariling kapangyarihan o pagiging makadiyos?
Acts 8:9Ngunit mayroong isang lalaki sa lungsod na ang pangalan ay Simon na gumagawa na noon pang una ng pangkukulam; ginagamit niya ito upang mamangha ang mga tao sa Samaria upang angkinin na siya ay mahalagang tao.