2 Corinto 6:2
Sapagkat sinabi niya, “Sa tamang panahon, ikaw ay aking pinansin, at sa araw ng pagliligtas, ikaw ay aking tinulungan.” Tingnan ninyo, ngayon ang tamang panahon. Ngayon ang araw ng kaligtasan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Isaiah 49:8Ito ang sinasabi ni Yahweh, “Sa oras na napagpasyahan kong ipakita ang aking pabor, sasagutin kita, at sa araw ng kaligtasan tutulungan kita; pangangalagaan kita, at ibibigay kita bilang isang tipan para sa mga tao, para itayo muli ang lupain, para itakda muli ang pinabayaang pamana.
Ezekiel 16:8Nadaanan kitang muli, at nakita kita at tingnan mo! Dumating na sa iyo ang oras ng pag-ibig kaya sinuotan kita ng balabal at tinakpan ang iyong kahubaran. Pagkatapos, nangako ako sa iyo at dinala kita sa isang kasunduan—ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh—at ikaw ay naging akin.
Luke 18:37Sinabi nila sa kaniya na dumaraan si Jesus na taga-Nazaret.
Hebrews 3:7Kaya, gaya ng sinasabi ng Banal na Espiritu, “Sa araw na ito, kung marinig ninyo ang kaniyang tinig,
Hebrews 4:7Muli ang Diyos ay nagtakda ng tiyak na araw, na tinatawag na “Ngayon”. Itinakda niya ang araw na ito nang nakipag-usap siya sa pamamagitan ni David, na sinabi noon pa pagkatapos ng unang pagsasabi nito, “Ngayon, kung pakikinggan ninyo ang kaniyang tinig, huwag ninyong patigasin ang inyong mga puso.”